^

Bansa

Bong dumalaw na kay Jolo

Angie Dela Cruz, Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinalaw na kahapon ni suspended Sen. Bong Revilla ang kanyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla na naka-confine ngayon sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa.

Ito’y matapos pagbigyan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Revilla na mabisita ang anak.

Naging emosyonal at nag-iyakan ang mag-ama ng magkita sa nasabing pagamutan.

Si Jolo ay nadala sa Asian hospital noong Sabado nang umano’y mabaril nito ang kanyang sarili na tumagos sa kanyang baga.

Ala-1:30 Martes ng hapon nang pansamantalang makalabas si Revilla sa PNP Custodial Center kung saan siya nakadetine dahil sa mga kinakaharap na kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Alas-2:14 nang duma­ting ang convoy ng senador sa ospital pero bigo siyang mamataan ng media dahil sa mahigpit na seguridad ng pulisya at ng mismong Asian hospital.

Base sa ipinalabas na medical bulletin ng ospital sa pamamagitan ng ta­gapagsalita ng mga Revilla na si Atty. Raymond Fortun, muling isinailalim kahapon sa CT scan ang batang bise gobernador.

Sa assessment ng doktor nito, serious at under watchful observation ang kondisyon ni Jolo dahil mayroon itong pneumothorax o air in thoracic cavity over hemothorax, pneumonia sa kaliwang baga.

Anang kampo ni Revilla, kung hindi pa tuluyang maayos ang kundisyon ni Jolo ay hihingin ulit nila na makabalik sa ospital.

Sa desisyon ng Sandiganbayan First Division sa hirit ng senador, simula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 Martes ng gabi lang maaaring manatili si Bong sa ospital.

Ilang kundisyon din ang ibinigay ng graft court kay Revilla tulad ng pagbabawal itong ma-interview ng media at gumamit ng anumang communication devices.

Pinasalamatan naman ng kampo ni Revilla ang Sandiganbayan sa pag-apruba sa kanilang mosyon.

“All expenses to be incurred by the PNP in connection with the personal escorts and security measures in all movements and dispositions of accused Revilla outside Camp Crame until his return to his detention facility shall be shouldered and paid by the said accused,” nakasaad pa sa resolution.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BONG REVILLA

CAMP CRAME

CAVITE VICE GOVERNOR JOLO REVILLA

CUSTODIAL CENTER

JOLO

RAYMOND FORTUN

REVILLA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with