Bong pinayagang mabisita si Jolo sa ospital
MANILA, Philippines - Pinayagan ng korte ang kahilingan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na mabisita ang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa ospital.
Limang oras ang binigay ng korte sa Senador upang personal na makamusta ang kalagayan ng anak na nasa intensive care unit ng Asian Hospital and Medical Center sa lungsod ng Muntinlupa.
Mula alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ang schedule ng nakatatandang Revilla kung saan aalis siya ng PNP Custodial Center mamayang alas-2 ng hapon:
Naospital ang Bise Gobernador matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.
Nakakulong ang Senador dahil sa kasong graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam.
- Latest