Sunog na naman, sa Parañaque
MANILA, Philippines – Sa pangalawang araw ng Fire Prevention Month, nasa 300 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos masunog ang humigit-kumulang sa 100 kabahayan, sa Parañaque City kahapon ng umaga.
Sa imbestigasyon ni SFO2 Vicente Aurellano, ng Parañaque City Fire Department, nagsimulang sumiklab ang apoy alas-11:20 ng umaga sa may ikalawang palapag na bahay sa Purok 3, Silverio Compound, Brgy. San Isidro ng naturang lungsod na pag-aari ni Ederlinda Bernesto.
Kaagad na kumalat ang apoy sa ibang kabahayan na ang bilang ay umabot sa humigit kumulang sa 100.
Umabot ito sa Task Force Bravo at pagsapit ng alas-2:32 kahapon ng hapon ay under control na ng mga bumbero ang insidente.
Patuloy pang inaalam ang pinagmulan ng sunog.
- Latest