^

Bansa

Sympathy walk for justice sa SAF 44 aktibong mga pulis, pwedeng lumahok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malayang makakalahok ang mga aktibong miyembro at opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa ikinakasang ‘March for Justice for Special Action Force 44’ na isasagawa sa darating na Marso 8.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., walang nakikitang problema ang pamunuan ng PNP kung mayroon mang mga aktibong pulis sa gagawing ‘sympathy walk’ para sa minimithing hustisya sa  SAF 44.

Pangungunahan ang ‘indignation rally’ ng mga biyuda, kamag-anak at mga kaibigan ng SAF 44, ga­yundin ng iba’t-ibang grupo at personalidad na nakikisimpatiya sa pagmasaker sa mga ito ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at BIFF  matapos na makorner sa bakbakan kaugnay ng inilunsad na Oplan Exodus.

Nilinaw  naman ni Cerbo na maaaring lumahok ultimong mga aktibong pulis sa ‘sympathy walk’ pero dapat ay awtorisado ito ng kanilang mga superiors at may permit din ang kanilang isasagawang pagmamartsa para sa hustisya.

Samantalang, kailangan ding hindi naka-duty ang mga ito sa mismong araw ng gagawin ang aktibidad upang hindi makaapekto sa kanilang trabaho ang kanilang gagawing pagkilos.

Ayon kay Cerbo , hangga’t wala namang ginagawang masama ang mga pulis ay walang dahilan para hadla­ngan ang mga ito na lumahok sa ‘ march for justice’ para sa mga nasawing SAF 44 commandos.

Ikinatwiran ni Cerbo na malaya rin namang mag­hayag ng kanilang saloobin ang mga pulis sa anumang uri ng isyu basta’t nasa tama ito at mapayapang pamamaraan.

Nabatid na sa Marso 8 ay inaasahang dadagsain ng mga tao ang mga lansa­ngan mula sa Cavite City, EDSA patungong Quezon City circle para sa martsa sa hustisya sa SAF 44 commandos.

vuukle comment

AYON

CAVITE CITY

CERBO

GENEROSO CERBO JR.

MARSO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OPLAN EXODUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with