Port congestion lutas na
MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Malacañang na nalutas na daw nito ang port congestion, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Sinabi ni Sec. Lacierda sa media briefing, balik-normal na daw ang operasyon sa Port of Manila matapos malutas na ang port congestion nito na nagsimula noong nakaraang taon.
“Operations on Port of Manila have been completely normalized,” pagmalalaki pa ng Malacañang kahapon.
Pinasalamatan din ng Malacañang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), local government units, ibat ibang government agencies at stakeholders sa kanilang kooperasyon upang tuluyang malutas ang port congestion sa Port of Manila.
- Latest