Pangulong Aquino hindi hihingi ng ‘sorry’ – Coloma
MANILA, Philippines – Walang planong humingi ng sorry si Pangulong Benigno Aquino III ukol sa Mamasapano incident kung saan ay nasawi ang 44 miyembro ng Special Action Force noong Enero 25.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., iginagalang nila ang opinion ni Sen. Serge Osmeña subalit hindi sila sumasang-ayon sa payo nitong humingi ng sorry sa taumbayan si Pangulong Aquino ukol sa Mamasapano incident.
“Bagama’t hindi kami sumasang-ayon sa kanyang opinion, ay nirerespeto namin ang kanyang (Sen. Osmeña) pagpapahayag ng saloobin,” wika pa ni Sec. Coloma.
Hiniling ni Sen. Osmeña na humingi ng sorry si Pangulong Aquino sa taumbayan dahil sa Mamasapano incident at aminin nito ang kanyang pagkakamali tulad ng ginawa noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Hello Garci.
Tinawag din ni Osmeña na ‘matigas ang ulo’ ni Pangulong Aquino at nakikinig lamang daw ito sa maling payo ng kanyang mga kaibigan.
- Latest