^

Bansa

BBL ipapasa ng Kongreso

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang dalawang kapulungan ng kongreso na pagtibayin ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago magtapos ang 2nd regular session.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales, na urgent at top priority na ng Senado at Kongreso ang pagpapatibay ng BBL.

Sa napagkasunduan sa regular na pulong ng mga lider ng dalawang kapulungan, pipilitin na aprubahan ang BBL hanggang bago ang adjournment sine die ng second regular session sa Hunyo.

Nilinaw pa ni Gonzales, na sa kabila umano ng pagkukumahog na dahil sa kapos na panahon, kaya sisiguraduhin pa rin nilang susunod sa konstitusyon ang lahat ng probisyon sa panukala.

Subalit dedepende pa din sa House Ad Hoc committee on the Bangsamoro ang bilis ng pag-akyat sa plenaryo ng BBL at kapag na indorso na umano ito sa plenaryo ay sisikapin nilang matapos sa loob ng isang buwan ang deliberasyon.

Aminado naman si Gonzales na magiging hamon dito ang isyu ng quorum dahil tulad umano noong tinatalakay sa Kamara ang Reproductive Health (RH) law maaari umano itong gamitin din ng mga kongresistang tutol sa BBL.

Hindi naman pabor ang majority leader na magkaroon ng special session para sa pagpapatibay ng nasabing batas dahil mahirap na magpatawag ng sesyon.

Kung regular sesyon na umano ay mahirap ng makakuha ng quorum sa Kamara kaya mas napakahirap na makapagpadalo ng sapat na bilang ng mga kongresista sa special session.

vuukle comment

AMINADO

AYON

BANGSAMORO

BANGSAMORO BASIC LAW

GONZALES

HOUSE AD HOC

HOUSE MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

HUNYO

KAMARA

REPRODUCTIVE HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with