^

Bansa

Bgy. treasurer pinagnakawan, pinatay ng Akyat-Bahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang polio victim na barangay treasurer nang pasukin umano ng magnanakaw at pagsasaksakin sa loob ng kaniyang bahay, sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Duguang nakahandusay  at wala ng buhay ang biktimang si Arlene Mediavilla, 39 ng Barangay 390 Zone  40, District 3 at residente no.913 R. Hidalgo st., Quiapo nang madatnan ng isang Sarah Torres, kaibigan ng biktima.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 9:45 ng gabi nang  magtungo si Torres sa bahay ng biktima upang makipagkuwentuhan nang masorpresa na kalat-kalat ang mga kagamitan habang ang biktima ay nakahandusay na naliligo sa sariling dugo.

Ayon pa sa ulat, wala ni isang kapitbahay ang nakarinig ng anumang komosyon mula sa bahay ng biktima kaya walang makuhang testigo sa insidente.

Hinihinalang pinagnakawan ang biktima na pinatay din nang manlaban.

vuukle comment

ARLENE MEDIAVILLA

AYON

BERNARDO CAYABYAB

BIKTIMA

DUGUANG

HINIHINALANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PATAY

SARAH TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with