^

Bansa

Street watch organization ipinayo laban sa krimen

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang publiko na bumuo ng kani-kanilang “Street Watch Organization” sa bawat kalsada o bloke na tinitirhan at magkaisa sa pagbabantay kontra kriminalidad.

Nagbigay rin ng anim na mahahalagang tips o payo ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) para sa publiko na inilagay sa kanilang social networking sites sa Facebook at Twitter, para magabayan sa pag-iwas sa iba’t ibang uri ng krimen at pagbuo ng naturang Street Watch group.

Kilalanin anila nang maigi ang mga kapitbahay at lahat ng nakatira sa tinitirhang street.  Posible umanong maging katuwang ang mga kapitbahay sa pagbabantay sa paligid laban sa mga elementong kriminal. Ikalawa, maaaring bumuo ng “street watch” na binubuo ng mga kapitbahay bilang mga miyembro.  Nararapat umanong makialam at makipagtulungan sa pagbabantay sa paligid at pag-uulat ng mga kahina-hinalang indibidwal o aksyon sa pulisya.

Maaaring magpalitan ng pangalan, telepono sa pagitan ng mga miyembro ng “street watch”.  Maaaring gumawa ng “diagram” na naglalaman ng numero ng bahay, telepono at pagkakakilanlan ng mga naninirahan.  Dapat ring nakalagay ang numero ng mga emergency at police numbers na matatawagan sa oras ng may maganap na krimen o emergency.

Magboluntaryo sa pagbabantay sa bahay ng kapitbahay kapag wala ang mga ito at pakiusapan rin na gawin ito sa inyo.  Ikalima, dumalo sa mga pagpupulong na ipatatawag ng itatalagang “Street Watch Officer” upang malaman ang sitwasyon ng inyong lugar. Makibahagi ng impormasyon at karanasan sa mga kapitbahay. Dapat kilalanin ang hepe ng pulisya at mga miyembro ng lokal na kapulisan sa bawat lugar partikular ang mga nagpapatrulya.  Alamin ang emergency number ng pinakamalapit na istasyon ng pulisya upang agad na mahingan ng saklolo sa oras ng pangangailangan.

vuukle comment

ALAMIN

DAPAT

MAAARING

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

STREET WATCH

STREET WATCH OFFICER

STREET WATCH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with