^

Bansa

DepEd kakampanya laban sa child abuse

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na panahon na para labanan ang pang-aabusong sekswal sa mga kabataan.

Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, naglunsad na sila ng awareness campaign sa mga pampublikong paaralan sa bansa kung papaano makakaiwas ang mga kabataan sa pang-aabusong sekswal.

Kabilang sa kampanya ang paglulunsad ng poster-making at writing contest na tumatalakay kung papaano mabibigyan ng proteksiyon ang mga kabataan sa ibat-ibang uri ng pagsasamantala.

Inatasan na ni Luistro ang mga regional director at school superintendent sa buong bansa na makiisa sa pag-oobserba sa ‘19th national awareness week’ na gaganapin sa darating na Pebrero 8 hanggang 14 na ang tema ay “Labanan ang Pang-aabusong Sekswal sa mga Bata: Now Na!”

Layunin ng DepEd na mabigyan ng kaalaman ang mga kabataang mag-aaral kung papaano maprotektahan ang sarili sa mga taong nagnanais mang-abuso at magsamantala sa kanila.

vuukle comment

AYON

BATA

DEPARTMENT OF EDUCATION

INATASAN

INIHAYAG

KABILANG

LABANAN

NOW NA

SECRETARY ARMIN LUISTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with