^

Bansa

AFP, PNP redi sa resbak ng BIFF

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siniguro ng Malacañang na handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa planong paghihiganti ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Coloma na anumang oras ay handa ang AFP gayundin ang PNP sa anumang balak ng BIFF upang ipaghiganti ng mga ito si  Zulkifi bin Hir alyas Marwan na sinasabing napatay ng mga elemento ng Special Action Force (SAF) noong nakaraang Linggo nang isilbi ang arrest warrant laban sa Malaysian bomber na tinaguriang Bin Laden ng Southeast Asia.

Bagamat kinumpirma ng SAF sa kanilang report na napatay nila si Marwan at kinumpirma din ito ng liderato ng MILF at biyuda ni Abu Sayyaf leader Khadaffy Janjalani ay hinihintay pa din ang resulta ng DNA test na ipinadala sa Federal Bureau of Investigation (FBI) upang masiguro na si Marwan ang napatay noong nakaraang Linggo sa Mamasapano, Maguindanao.

“Handa po ang Sandatahang Lakas at lahat ng puwersa ng pamahalaan para labanan po ang ganyang balak at tiyakin ang kaligtasan ng ating mga mamamayan. Ganap po ang kahandaan ng Sandatahang Lakas,” wika pa ni Coloma sa panayam ng Radyo ng Bayan.

May banta na aatake muli ang BIFF upang ipaghiganti ang pagkamatay ni Marwan matapos ang madugong engkwentro noong nakaraang Linggo kung saan ay 44 mi­yembro ng Special Action Force ang nasawi nang isilbi nila ang arrest warrant Kay Malaysian bomber Marwan at Basit Usman sa Mamasapano.
    “Basta po ang atin pong batid diyan ay ganap ang kahandaan ng ating pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapatatag ng ating depensa laban sa lahat ng panganib at banta sa kaligtasan ng ating mga mamamayan,” paliwanag pa niya.

Samantala, nakiisa na din ang United Nations team sa pagsusulong ng imbestigasyon upang mabatid ang katotohanan sa naganap na madugong engkwentro sa pagitan ng SAF, MILF at BIFF sa Mamasapano noong Enero 25.

“Malugod na tinatanggap ng pamahalaan ang pagpapahayag ng suporta ng United Nations (UN) sa patuloy na pagtataguyod at pagsulong sa prose­song pangkapayapaan ng pamahalaan. Malaki ang maiaambag na tulong mula sa UN peace building fund upang tustusan ang iba’t-ibang gawain at programa patungkol sa prose­song pangkapayapaan,” wika pa ni Coloma.

Itinanggi din ni Coloma ang akusasyon na pini­gilan daw ni Presidential Peace Adviser Teresita Deles si Pangulong Aquino na magpadala ng reinforcement troops na naka-engkwentro ang MILF dahil baka maapektuhan ang peace talks dito.

“Wala pong batayan ang pahayag na ‘yan. Mainam na sa kasalukuyan ay umiwas na lang po tayo sa mga haka-haka at purong espekulasyon na walang batayan,” sabi pa ni Coloma.

Magugunita na mahigit 13 oras nakipaglamay si Pangulong Aquino sa burol ng SAF 44 noong Biyernes sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan ay isa-isang kinausap nito ang pamilya ng nasawing elite force at siniguro na makakamit ng mga ito ang hustisyang kanilang hinihingi.

vuukle comment

ABU SAYYAF

COLOMA

LINGGO

MAMASAPANO

MARWAN

PANGULONG AQUINO

SANDATAHANG LAKAS

SPECIAL ACTION FORCE

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with