^

Bansa

Malacañang umapela sa banta ng kudeta

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos lumutang ang ulat na posibleng may maglunsad ng kudeta laban sa administrasyong Aquino, umapela kahapon ang Malacañang na dapat maging mahinahon ang lahat partikular ang mga nagbibigay ng “komentaryo” at “suhestiyon” kaugnay sa nangyaring pagpatay sa 44 miyembro ng PNP-Special Action Force.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nauunawaan nila ang mabigat at mataas na emosyon kaugnay sa pagkamatay ng 44 SAF pero dapat pa ring maging mahinahon ang lahat.

Sinabi ni Coloma na kung paiiralin ang silakbo ng damdamin at emosyon ay posibleng mawala sa focus ang gobyerno na nagnanais maghatid ng pangmatagalang kapa­yapaan sa bansa.

Samantala, sa gitna ng ulat na may 43 kasapi ng administrasyon na nagbabalak na bawiin ang suporta sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law, sinabi ni Coloma na marami pa ring mga lider ng bansa ang naniniwala na dapat isulong ang pangmatagalang kapayapaan.

Dapat aniyang tingnan ang mas malaking lara­wan na ihahatid ng pangmatagalang kapayapaan.

Sa ngayon ay wala pang anunsiyo si Pangu­long Aquino kung kakausapin nito ang mga kapanalig na sinasabing nagbabalak bawiin ang suporta sa BBL.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

DAPAT

SONNY COLOMA

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with