^

Bansa

Sa sinabotaheng Butuan Water District Krisis sa tubig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabotahe umano ang operasyon ng Butuan City Water District (BCWD) kung kaya nakakaranas ngayon ng krisis sa tubig ang mga residente sa nasabing lalawigan.

Sa ipinadalang pahayag ni Ramil Barquin, tagapagsalita ng BCWD, natuklasan ng kanilang mga engineer na ang steel cover ng kanilang pipeline sa Taguido River ay nawawala at posibleng sinadyang kunin.

Sinabi pa ni Barquin, ang kanilang open manhole ay nilagyan din ng buhangin at iba’t-ibang debris na sumira sa kanilang infiltration gallery at nagresulta ng pagbara sa kanilang main transmission ng kanilang pipeline.

Ani Barquin, hindi kayang sirain ng malakas na bagyong Seniang na dumaan sa kanilang lugar noong Disyembre ang malalaking tubo at pagkawala ng takip nito o steel cover bagkus sinadyang kunin para isabotahe ng kanilang operasyon at magkaroon ng water shortage mula sa 40 porsiyento ng BCWD water production.

“The infiltration gallery is a network of perforated pipes located five meters below the river. It is used to collect the water through intervening sand and gravel filters going to the main transmission line,” ani Barquin.

Hinala ng BCWD na ilang local officials ang posibleng nasa likod ng pagsabotahe ng kanilang operasyon na interesado umanong makuha ang kanilang proyekto kabilang na ang BCWD’s Private Public Partnership (PPP) at P565 milyong Bulk Water Supply and Water Treatment na award at ginagastusan ng Taguibo Aquatech Solution Corp.

Nais din umano ng ilang opisyal na ibigay ang proyekto sa iba na bigo naman umanong makatugon sa basic requirements na kailangan para sa Public Private Partnership project.

vuukle comment

ANI BARQUIN

BARQUIN

BULK WATER SUPPLY AND WATER TREATMENT

BUTUAN CITY WATER DISTRICT

KANILANG

PRIVATE PUBLIC PARTNERSHIP

PUBLIC PRIVATE PARTNERSHIP

RAMIL BARQUIN

TAGUIBO AQUATECH SOLUTION CORP

TAGUIDO RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with