^

Bansa

Erap: MILF hindi mapagkakatiwalaan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na hindi mapagkakatiwalaan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinisisi rin nito sa pagkamatay ng 44 pulis ng Special Action Force (SAF).

Ayon kay Estrada, hindi maaaring sabihin ng  MILF na isolated ang insidente sa pagitan ng mga pulis at SAF sa Tukanalipao village samantalang alam nilang makakaapekto ito sa isinasagawang peace talks.

Sinabi ni Estrada na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng posibleng solusyon  subalit patuloy pa rin sa kanilang marahas na hakbang ang MILF. Aniya, marami nang buhay ang nawala sa patuloy na umano’y panloloko ng grupo sa pamahalaan.

Bagama’t ayaw niyang magbigay ng payo kay Pangulo Aquino, dapat din umano nitong isipin at pag-aralan ang sitwasyon.

Hiniling nito sa publiko na ipagdasal ang Pa­ngu­long Aquino at magkaroon ng tamang desisyon upan  ma-neutralized ang MILF. Hindi na dapat pang hintayin ng Pangulong Aquino na may buhay pang masasakripisyo.

Aniya, masyado umanong pinaiikot ng MILF ang pamahalaan sa kanilang kagustuhan. Sila ang dapat na sumunod sa  pamahalaan at hindi ang pamahalaan ang susunod sa kanila.

“Kung hindi makuha sa santong dasalan, kunin sa santong paspasan,” ani Estrada.

vuukle comment

ANIYA

AQUINO

AYON

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULO AQUINO

PANGULONG AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with