^

Bansa

Rasyon sa Papal visit panis, pulis nagkasakit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nga nakatanggap ng allowance, nagkasakit pa ang ilang pulis na nakatalaga sa Northern Police District (NPD) matapos makakain ng panis na pagkain habang nagbibigay ng seguridad sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis.

Nasira ang tiyan ng mga pulis ng NPD na nakakain ng panis lalo na nitong nakaraang Linggo sa isinagawang misa ni Pope Francis sa Luneta, Manila noong Linggo (Enero 18).

Dahil na rin sa pagod at tinipid sa pagkain ay bumigay ang katawan ng ilang mga pulis.

“Sino naman ang tatagal dahil ang pagkain na dapat ipakain ng alas-8:00 ng umaga ay naibigay ng ala-1:00 ng hapon na naging dahilan upang mapanis ang iba na nakalagay sa Styrofoam,” himutok ng mga pulis.

Nais pa rin ng mga ito na maibigay ang kanilang mga allowance upang mabawi naman ang ginastos nila sa mga gamot.

Hindi lang sa NPD, maging ang ilang pulis na nakatalaga sa Southern Police District (SPD) ay nagre­reklamo din dahil “kinatkung” umano ang allowance nila na dapat ay P2,400, subalit ang kanila lamang natanggap ay mahigit sa P100 at hindi pa lahat nakakatanggap. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DAHIL

ENERO

LINGGO

LORDETH BONILLA

LUNETA

NORTHERN POLICE DISTRICT

POPE FRANCIS

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with