^

Bansa

Bilihan ng mga paputok sa Divisoria sinalakay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasopresa ang mga vendors  ng mga malalakas na paputok sa Divisoria matapos na salakayin sa pangu­nguna ni Manila Vice Mayor Isko Moreno, kamakalawa ng hapon.

Umaabot sa P30,000 halaga ng mga malalakas na uri ng paputok ang nakuha na mahigpit ring ipinagbabawal ng  national government.

Ayon kay Moreno, ang mga tindahan sa Tabora-Recto at Tabo­ra- Sta. Elena ang pinasok matapos na makatanggap ng report na nagbebenta ang mga ito ng mga  ipinagbabawal na paputok.

Sinabi ni Moreno na mairaraos naman  ang pagsalubong sa  Bagong Taon na hindi na kailangan pa ang malalakas na uri ng paputok na maaaring makadisgrasya sa mga inosenteng sibilyan.

Bagama’t  dapat pa ring ipagdiwang ang pagsalubong sa Bagong Taon sa kanilang mga bahay, kailangan lamang tiyakin na malayo ito sa kanilang bahay upang maiwasan ang anumang sakuna.

Hindi rin umano dapat na  payagan ang mga bata na magpaputok lalo pa’t delikado  ito sa sandaling mai­subo.

Kaugnay nito, uma­pela rin si Moreno sa mga pulis na iwa­sang magpaputok kung saan kadalasang nagiging biktima ang mga ino­senteng bata.

Maganda aniyang salubungin ang Bagong Taon kung walang buhay na mabubuwis.

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BAGONG TAON

DIVISORIA

ELENA

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with