^

Bansa

DOH nag-iikot sa mga ospital

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsimula nang mag-ikot ang mga Department of Health upang matiyak ang kahandaan ng  personnel at pasilidad ng mga ospital.

Ang pag-iikot ng DOH ay bunsod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga mabibiktima ng paputok  dahil sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni Assistant Secretary Gery Bayugo, na bagamat target nila na bumaba ang  bilang ng  mga biktima ng mga paputok, kailangan pa rin ang paghahanda sa mga hindi inaasahang   insidente.

Nakakalungkot lamang na  hindi pa man sumasapit ang pagsalubong ng Bagong Taon ay pumalo na sa mahigit 70 katao ang nabiktima ng paputok nitong nakalipas na Pasko.

Bunsod nito, puspusan ang kampanya ng Department of Health( DOH) kontra sa “iwas paputok” .
Aniya, kapansin-pansin naman ang kahandaan ng mga binisitang ospital kung saan ang mga gagamitin umano sa pamputol (kung mayroon mang puputulin), mga panggupit ng buto at laman  ay ini-sterilize na.

Gayundin aniya ang mga personnel ng DOH at mga emergency room ng mga ospital  ay handa na rin.

Samantala, sinabi  naman ni DOH Acting Secretary Janette  Garin na ang  bawat isang  buhay ay mahalaga kaya’t kailangan ang maigting na pag-iingat  sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Aniya, mas paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya sa pagbaba ng bilang ng mga  biktima.  Kailangan din aniya ang  kooperasyon at tulong sa mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak.

vuukle comment

ACTING SECRETARY JANETTE

ANIYA

ASSISTANT SECRETARY GERY BAYUGO

BAGONG TAON

BUNSOD

DEPARTMENT OF HEALTH

GARIN

GAYUNDIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with