^

Bansa

Discounts ng may kapansanan pinadadagdagan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaaameyandahan ni Sen. Ralph Recto ang Republic Act No. 7277 o ang Magna Carta for Person with Disability’ upang madagdagan ang discount ng mga taong may kapansanan sa value added tax sa ilang goods at services.

Sa Senate Bill 2483 ni Recto, sinabi nito na ilang batas na ang naipasa na nagbibigay ng proteksiyon at tulong sa mga tinatawag na “persons with disabilities (PWDs) partikular ang RA 7277.

Nais ni Recto na amiyendahan ang Section 32 ng RA 7277 upang mabigyan pa ng karagdagang exemption mula sa 12% VAT sa pagbili ng ilang produkto at serbisyo ang mga PWDs bukod pa sa 20% discount na natatanggap na nila sa  ilalim ng batas.

Ayon kay Recto, kung maisasabatas, mas malaki na ang halagang matitipid ng mga taong may kapansanan at mas mahihigitan pa nila ang discounts na ipinagkakaloob sa mga senior citizens.

Sa pag-aaral ng Uni­ted Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UN-ESCAP), natuklasan na ang mga PWDs ay kalimitang nabibilang sa pinakamahihirap na sektor ng populasyon.

vuukle comment

ASIA AND THE PACIFIC

AYON

MAGNA CARTA

NATIONS ECONOMIC AND SOCIAL COMMISSION

PINAAAMEYANDAHAN

RALPH RECTO

REPUBLIC ACT NO

SA SENATE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with