^

Bansa

Pinay na kinidnap, ni-rape sa UAE nanalo sa kaso

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakuha na ng hustisya ang isang 31-anyos na Pinay na biktima ng pagdukot at gang rape matapos na sentensyahan ng pagkakakulong ang dalawang Pakistani na nagpanggap na mga pulis sa United Arab Emirates (UAE).

Sa desisyon ng Dubai Criminal Court, hinatulan ang dalawang Pakistani national, 33 at 27-anyos at pawang driver, ng pitong taong pagkakakulong dahil sa kasong “kidnapping, impersonating, rape at robbery” na isinampa ng Pinay na itinago sa pangalang Jovy.

Sa ulat na nalathala sa Kahllej Times, iniutos din ng korte sa dalawang akusado na ipatapon pabalik sa kanilang bansa kapag natapos nang isilbi ang kanilang jail term.

Bukod sa panggagahasa, ninakawan pa ng dalawang Pakistani si Jovy nang sila ay magpakilalang mga alagad ng batas.

Sa rekord ng korte, hinalay ng mga akusado ang Pinay matapos na dumalo sa party sa isang night club.

Habang nasa party, nakilala ni Jovy ang isa sa mga akusado at inalok na bibigyan ng trabaho at sinabing sasamahan pa siya sa hotel ng huli kung saan pumayag naman ang biktima at sumakay sila ng taxi. Imbes na dumiretso sa pupuntahan, dinala umano ang Pinay sa isang nakahimpil na bus at agad siyang hinila papasok doon. Bigla umanong nagpakilala ang Pakistani na miyembro ng Criminal Investigation Department at saka sinampal ang Pinay. Nasa loob naman ng bus ang ikalawang Pakistani at nagpakilala ring pulis hanggang sa halinhinan na siyang ginahasa.

Isa sa mga akusado ang kumuha sa suot na singsing ng Pinay, ang dala niyang Dh300 cash at cellular phone na nasa kanyang bag.

Matapos ang panggagahasa, agad na nagsumbong sa pulisya ang Pinay at sa follow-up operation ay naaresto ang dalawang Pakistani at sinampahan ng patung-patong na kasong kriminal.

vuukle comment

BIGLA

BUKOD

CRIMINAL INVESTIGATION DEPARTMENT

DUBAI CRIMINAL COURT

HABANG

IMBES

ISA

KAHLLEJ TIMES

PINAY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with