^

Bansa

Hindi tamang pasahod sa nurses iimbestigahan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestiga­han ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa kinauukulang komite sa Senado ang napaulat na hindi pagpapatupad ng ‘standardized pay’ ng mga nurses sa mga pampublikong ospital at health institutions.

Nais ni Santiago na kumpirmahin kung totoo ang ulat na may mga government hospital pa rin ang hindi sumusunod sa standardized monthly salary ng mga bagong nurses.

Ayon sa batas, hindi dapat bumaba sa salary grade 15 o P22,688 ang suweldo ng bagong nurses sa gov’t hospital.

Pero may mga ulat pa rin na may nurses na sumusuweldo lamang ng P15,647 sa entry level positions sa mga public health institutions.

May mga bagong nurses rin umano ang nangangamba tungkol sa ASEAN integration kung saan bagaman at magiging madali para sa mga Filipino nurses ang magtrabaho sa mga kalapit bansa sa Asia, marami rin namang mga nurses sa ibang bansa ang makakapag-trabaho sa mga local hospitals at tumanggap ng mas mababang sahod sa mga Filipino nurses.

Dagdag ni Santiago na mahalagang masilip ang mga dahilan kung bakit may mga public hospitals ang hindi pa rin nakakasunod sa batas

vuukle comment

AYON

DAGDAG

NURSES

PERO

PINAIIMBESTIGA

RIN

SENADO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with