^

Bansa

Jinggoy, Bong pwede mag-Christmas party sa selda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkules sina Senador Jinggoy Estrada at Ramon Bong Revilla Jr. na mag-Christmas party sa loob ng kanilang kulungan.

Sinabi ni PNP spokesperson Senior Supt. Wilben Mayor na anumang araw sa holiday season maaaring magsagawa ng party sa loob ng kanilang kulungan sa PNP custodial center.

Pinayagan din ng PNP na magkaroon ng bisita at magpasok ng pagkain sa gagawing Christmas party.

Nilinaw naman ni Mayor na tanging immediate family lamang ang maaring dumalo sa oras lamang din ng visiting hours na ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon tuwing weekdays at alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon tuwing weekends.

Nakakulong ang dalawang Senador dahil sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.
 

vuukle comment

MIYERKULES

NAKAKULONG

NILINAW

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINAYAGAN

RAMON BONG REVILLA JR.

SENADOR

SENADOR JINGGOY ESTRADA

SENIOR SUPT

SINABI

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with