Arroyo nakauwi para sa Pasko
MANILA, Philippines - Nakauwi na sa kaniyang bahay sa lungsod ng Quezon si dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos pagbigyan ng korte kahapon.
Bandang alas-10 ng umaga ngayong Martes ibiniyahe si Arroyo mula Veterans Memorial Medical Center (VMMC) pauwi sa La Vista, Quezon City.
Nakauwi si Arroyo sa bisa ng Christmas furlough na ibinigay ng Sandiganbayan First Division.
Babalik din si Arroyo sa Veteran's Hospital sa Biyernes.
Naka hospital arrest si Arroyo para sa kasong pandarambong kaugnay ng maabomalyang paggasta sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
- Latest