^

Bansa

2 kidnaper ng trader, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang dalawang lalaki na dumukot sa isang negosyante at ikinulong sa isang kwarto ng hotel, kahapon ng madaling araw.

Biniberepika pa ang pagkakakilanlan sa mga nadakip na suspek na inisyal na ulat ay nakilalang sina Jed Cleoterio at alyas Albert.

Sa paunang report,  nadakip ang mga suspek dakong alas-4 ng madaling araw sa isang hotel sa Bagong Barrio ng naturang lungsod.

Sa panayam ng PSN sa biktimang nagpakilala sa pangalang Allan, una niyang naging kaibigan si Jed dahil sa madalas itong kumakain sa pag-aari niyang restoran sa may Malolos, Bulacan.

Nalaman umano ng suspek na may negosyo rin siyang “buy and sell” ng mga sasakyan kaya inalok siya ng isang ibinibentang sasakyan kamakalawa.  Nagkita sila sa Malolos dakong alas-10:30 ng gabi kung kailan siya tinutukan ng baril at ipinasok sa kanyang sasakyan.

Dinala sa hotel ang biktima habang kinuha umano ang kanyang ATM card. Nagawa umanong inisyal na makapag-withdraw ng P20,000 ng mga suspek.

Nakatakas lamang ang biktima nang makatulog ang mga suspek at nakahingi ng tulong sa mga empleyado ng hotel.  Mabilis namang tumawag ng tulong sa PCP 2 ng Caloocan Police kaya inabutan pa ang mga suspek na mahimbing ang tulog.

Patuloy ngayon ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BINIBEREPIKA

BULACAN

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

DINALA

JED CLEOTERIO

MABILIS

MALOLOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with