^

Bansa

NBP muling sinalakay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling sinalakay ni Justice Secretary Leila de Lima ang New Bilibid Prison (NBP) kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon ng umaga.

Alas-7 ng umaga nang isagawa ang panibagong operasyon sa NBP kung saan nadiskubre ang jacuzzi, mga musical instruments, armas, sex toys, mga baril at maging ang shabu.

Kabilang sa mga kubol na pinasok ay kina Arman Agoho, Vicente Dy, Eugene Chua at Benjamin Marcelo.

Nadiskubre ang dalawang aircondition sa kubol ni Dy na nakatago sa kisame. Sisirain ang mga kubol upang magamit na common area ng mga nagsisiksikang mga pre­so.

Sinabi ni de Lima na maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho sa sandaling mapatunayan ang pagkakasangkot ng mga ito sa anomalya sa NBP.

Aniya, kailangan na mapanagot ang responsable dito upang tuluyan nang malinis ang NBP mula sa mga illegal transaction ng mga sindikato.

Mag-i-issue muna si de Lima ng show cause order para sa mga pinag­hihinalaang sangkot sa pagpasok ng droga at mamahaling gamit sa pam­bansang piitan.

Aniya, ito ang unang hakbang para imbestigahan ang lahat ng mga sangkot sa pagkakaroon ng marangyang pamumuhay ng mga high profile inmates sa Bilibid.

vuukle comment

ANIYA

ARMAN AGOHO

BENJAMIN MARCELO

EUGENE CHUA

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with