^

Bansa

Mga bilangguan ipinapa-audit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos mabunyag ang marangyang pamumuhay ng ilang mayayamang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP), pinapa-audit ni Sen. Nancy Binay ang lahat ng jail facilities sa bansa.

Ayon kay Binay ang marangyang lifestyles ng mga “high-profile convicts” ay senyales ng ‘incompetence’ ng mga jail officials.

Maliwanag rin aniya na walang “hands on management” ang mga opisyal ng NBP kaya pumapalpak ang sistema sa mga jail facilities.

Hindi rin aniya sapat na i-reshuffle lamang ang mga jail guars at opisyal ng mga pasilidad at dapat ay panagutin ang mga may kasalanan.

Mistulang sinisisi rin ni Binay si Justice Secretary Leila de Lima dahil bahagi ng kanyang jurisdiction ang mga detention facilities.

Dapat inuuna umano ni de Lima na tiyakin na walang anomalya sa kanyang mga nasasakupang ahensiya.

Pinuna ni Binay na noon lamang Disyemre 15 nagsagawa ng raid si de Lima gayong matagal na siyang nasa puwesto.

Mahirap aniyang isipin na hindi alam ng mga opisyal ang nangyayari sa loob ng NBP at dapat matagal na itong nasilip ni de Lima.

 

vuukle comment

AYON

BINAY

DAPAT

DISYEMRE

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAHIRAP

NANCY BINAY

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with