^

Bansa

Libreng int’l calls sa holidays hatid ng Globe at Line

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakipagtambalan ang Globe Telecom, sa pamamagitan ng International Business Group nito, sa na­ngungunang commu­nications application LINE, na magkakaloob ng magandang pagkakataon sa mga Pinoy sa buong mundo na kumonekta sa kanilang mga minamahal sa Pilipinas sa holiday season.

Sa loob ng siyam na araw, mula Disyembre 24, 2014 hanggang Enero 1, 2015, ang LINE users sa buong mundo, kabilang ang 12 milyong Pinoy sa iba’t ibang komunidad sa ibang bansa ay maaaring tumawag nang libre sa Globe mobile at TM subscribers sa Pilipinas.

Ito ay magandang regalo mula sa Globe at LINE upang higit na maging memorable ang Kapaskuhan sa lahat ng Pinoy sa buong mundo, pahayag ni Globe Executive Vice President and Chief Operations Officer Gil Genio.

Sabi naman ni Line Philippines head Greg Kim, ang mga LINE user sa buong mundo, sa pamamagitan ng kanilang smartphones, ay maaari na ngayong makabati nang libre sa Globe at TM customers mula bisperas ng Pasko hanggang sa Bagong Taon gamit ang Line Premium Call function.

vuukle comment

BAGONG TAON

GLOBE EXECUTIVE VICE PRESIDENT AND CHIEF OPERATIONS OFFICER GIL GENIO

GLOBE TELECOM

GREG KIM

INTERNATIONAL BUSINESS GROUP

LINE PHILIPPINES

LINE PREMIUM CALL

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with