^

Bansa

4 Pinoy utas sa car crash!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na Pinoy ang nasawi matapos na bumangga ang kanilang sasakyan sa isang truck sa nagyeyelong highway sa Alberta, Canada noong Sabado ng umaga.

Sa report na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs (DFA), naganap ito sa kahabaan ng Highway 21 sa Leduc, Alberta nang sumalpok ang sinasakyan nilang Saturn Ion sa isang tractor-trailer.

Sa ulat, lumihis sa opposite direction ang kotse ng mga biktima hanggang sa mabilis na bumangga ito sa isang tractor trailer. Sa lakas ng impact ay agad nasawi ang mga Pinoy. 

Sa report na lumabas sa CBC News na nakabase sa Canada, kinilala ang isa sa mga nasawing Pinay na si Eva Janette Caperina, 41, isang balo at may dalawang anak na sinusuportahan sa Pilipinas.

Kasama ni Caperina ang tatlong kapwa Pinoy, (dalawang lalaki at isang babae) nang maganap ang aksidente. Nagtatrabaho umano ang dalawang Pinoy sa isang Fatburger restaurant habang ang dalawang Pinay ay mga yaya.  

Nagluluksa ang Filipino community sa Alberta sa pagkasawi ng apat at sinabing kakamatay lang ng asawa ni Caperina ng nakalipas na taon dahil din sa motorcycle crash. 

Noong 2012, apat ding OFW ang nasawi sa aksidente sa Canada matapos na banggain ng truck ang kanilang sinasakyan na minamaneho umano ng isang lasing na driver.

vuukle comment

APAT

CAPERINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EVA JANETTE CAPERINA

FATBURGER

ISANG

PINAY

PINOY

SATURN ION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with