^

Bansa

Illegal recruiters sa social media

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philip­pine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko na maging sa social media ay naglipana ang mga ka­watan na nais makapanloko sa mga mangga­gawang nangangarap mangibang bansa.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, halos araw-araw ay nakakakita sila ng mga post, advertisement at accounts sa social media na nag-aalok ng trabaho sa ibayong dagat.

Kaagad naman aniya nila itong biniberipika at nadidiskubreng wala ito sa kanilang database.

Sinabi ni Cacdac na nito lamang Biyernes ay dalawang post na sa Facebook ang kanilang nakita na nag-aalok ng trabaho sa Nigeria at Russia.

Iginiit ni Cacdac na ipinanglalansi o patibong lang ng mga illegal recruiter ang malaking sweldo upang mahikayat ang mga OFWs.

Binigyang-diin naman ni Cacdac na lahat ng mga legal na recruitment agency ay nasa website na poea.gov.ph lamang.

vuukle comment

ADMINISTRATOR HANS LEO CACDAC

AYON

BINIGYANG

BIYERNES

CACDAC

FACEBOOK

IGINIIT

KAAGAD

OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with