^

Bansa

Accusers kakasuhan ni VP Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kakasuhan ni Vice President Jejomar Binay ang mga nag-aakusa sa kanyang magnanakaw.

Sa media interview kay Binay habang nasa Tabuelan, Cebu sinabi niya na inaayos na ang lahat upang sampahan ng kaso ang mga taong nagpaparatang na isa siyang korap at may mga tagong yaman.

“We are now contemplating already, we are called left and right na magnanakaw. Maghahabla ako diyan. Hindi ko tatanggapin yan. Lagi na lamang...tinatawag akong magnanakaw,” ani Binay.

Magugunita na pinaratangan ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa pagdinig ng Senado na nagkamal ng mala­king kickback ang Bise Presidente sa umano’y overpriced na pagpapa­tayo ng Makati City Hall Building 2 at ang sinasabing tagong ari-arian na 350 hektaryang “Hacienda Binay” sa Rosario, Batangas. Bukod pa sa huling alegasyon ni Mercado sa Senado na nagmamay-ari si Binay at kanyang pamilya ng mga condominium units sa Makati na agad pinabulaanan ng mga condo owners.

Hinamon naman ng kampo ni Binay ang Senado na si Mercado ang imbestigahan dahil siya ang umano’y totoong may itinatagong mga yaman o ari-arian.

Sa kabila nito, sinabi ni Binay na tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo sa presidential elections sa 2016.

Si Binay ay nasa Cebu upang tulungan ang may 200 pamilya na nawalan ng tirahan sa bagyong Yolanda at upang bisitahin ang isang OFW na na­ngangailangan ng tulong.

Binigyang-diin din ni Binay na ang kanyang ginagawang pag-iikot at pagtulong sa mga kababayang nangangailangan ay hindi maagang pa­ngangampanya.

Ito’y matapos na iha­yag ng isang top official ng Liberal Party na early campaigning ang ginagawa ng Bise Presidente.

“Let’s ‘ just be honest with each other, we will not be able to distinguish whether I am working or campaigning. Meron akong napuntahan dito OFW na kailangan ng tulong, mayroong Pagibig na fino-follow up namin. Along the way, minsan, katulad nito. Let ‘ s not be hypocrites. Sa incumbent, it will be very hard for you to distinguish if we are campaigning or we are working,” ani Binay.

 

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE

CEBU

HACIENDA BINAY

LIBERAL PARTY

MAKATI CITY HALL BUILDING

MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MERCADO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with