^

Bansa

Pag-aampon sa Pinas, matagal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masyado umanong matagal at mahaba ang panahon sa proseso ng pag-aampon sa Pilipinas.

Ito ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dahilan kung bakit ang ilang mga adoptive parents ay hindi na nag-aampon, o di naman kaya ay dumadaan sa iligal na paraan ng pag-aampon sa bansa.

Sinabi pa ni DSWD Secretary Dinky Soliman na para mapadali ang pag-aampon, kanilang nadiskubre na may ilang mga magulang ang nauuwi sa pag-tamper ng birth certificate ng mga aampuning bata para lang maikabit ang kanilang pangalan na isang uri ng krimen.

Gayunman, ayon kay Soliman may paraan naman para mapadali sa pamamagitan ng pag-am­yenda sa Republic Act 8552 o Domestic Adoption Act.

Sa kasalukuyan, umaabot ng hanggang isang taon ang proseso ng pag-aampon batay sa itinatadhana ng batas.

Bukod sa nasasayang na panahon, dumadaan din sa physical at emotional stress ang mga mag-aampon at ang batang nais ampunin.

 

vuukle comment

AAMPON

BUKOD

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DOMESTIC ADOPTION ACT

GAYUNMAN

MASYADO

REPUBLIC ACT

SECRETARY DINKY SOLIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with