^

Bansa

PNoy mag-iinspeksiyon sa bus terminals, airports at pantalan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magsasagawa ng pag-iinspeksiyon si Pa­ngulong Aquino sa mga terminal ng bus, airports at mga pantalan ngayong darating na Undas.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nakaugalian na ng Pangulo ang pag-iinspeksiyon sa panahon ng Undas upang personal na makita ang nagaganap sa mga terminal.

Nakatitiyak rin si Coloma na dahil sa naging ugali ng Pangulo na pag-iikot tuwing Undas naghahanda rin ang mga lugar na posibleng bisitahin at upang matiyak rin ang ligtas na paglalakbay ng mga Filipino na uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong Araw ng mga Patay.

Dagdag pa ni Coloma na base na rin sa kanilang karanasan, pinakamaraming Pilipino na umuuwi sa kanilang mga bayan o probinsiya tuwing Undas. (Malou Escudero)

vuukle comment

AQUINO

ARAW

AYON

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

DAGDAG

MALOU ESCUDERO

PANGULO

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with