^

Bansa

Biyahe, donasyon at regalo isama sa SALN - Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Oobligahin na ang mga opisyal ng gobyerno na ideklara nila sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ang mga biyahe at mga natatanggap na donasyon at regalo sa loob ng isang taon.

Ito’y kung papasa ang Senate Bill 2431 na inihain ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na mag-aamyenda sa Republic Act 6713 na kilala rin sa tawag na Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ayon kay Santiago, sa ngayon ay iisang SALN form lamang ang ginagamit ng lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno sa pagdedeklara ng kanilang SALN kahit pa ano ang salary grade ng mga ito.

Mismong ang Supreme Court aniya ang nagsabi sa isang ipinalabas na desisyon na mahalaga ang pagdedeklara ng SALN dahil ito ang nagiging basehan ng gobyerno at ng mga mamamayan sa pag-monitor sa income at lifestyles ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Sinabi ni Santiago na bahagi ito ng pagtupad sa polisiya ng gobyerno na labanan ang lahat ng uri ng korupsiyon at magkaroon ng transparency sa pamahalaan.

Pero pinuna ni Santiago na sa kasalukuyang SALN form, nagagawang makalusot ng mga tiwa­ling opisyal dahil hindi idinedeklara ang pera at donasyon na nakukuha nila sa ilang indibiduwal dahil sa uri ng kanilang trabaho.

Kaya dapat na aniyang susugan ang batas upang magkaroon ng ibang SALN form para sa mga opisyal na may Salary Grade 27 pataas upang maging mas detalyado ang kanilang SALN.

Nais na rin ni Santiago na ipadeklara ang fair market value ng mga real properties ng isang opisyal upang maiwasan ang “undervaluing”.

Paliwanag ni Santiago kalimitan ay nagsasabwatan ang buyer at seller ng property upang maiwasan ang pagbabayad ng mas mataas na buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kaya hindi naidedeklara ng tama ang halaga ng real properties.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

LIABILITIES AND NETWORTH

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

REPUBLIC ACT

SALARY GRADE

SALN

SENATE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with