^

Bansa

Hirit ni Jinggoy sa Undas sinopla

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sinopla ng prosekusyon ang kahilingan ni Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na makalabas ng kulungan sa panahon ng Undas sa Nov 1.

Ayon sa prosekusyon, masamang senyales kung palalabasin ng kulungan si Estrada sa naturang okas­yon para lamang sa Undas dahil nagpapakita lamang ito ng pagpabor sa request ng isang mambabatas.

Anila, isang non-bailable offense ang kaso ni Estrada at walang dahilan para ito ay payagan na makapag-Undas sa labas ng kulungan.

Si Estrada ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame dahil sa kasong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam. 

Unang hiniling sa graft court ng kampo ni Estrada na makalabas sa Nov 1. para madalaw ang puntod ng mga yumaong kaanak at ang puntod ng kanyang kaibigang si Rudy Fernandez.

 

vuukle comment

ANILA

AYON

CUSTODIAL CENTER

JINGGOY ESTRADA

KAMPO KRAME

RUDY FERNANDEZ

SANDIGANBAYAN

SI ESTRADA

SINOPLA

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with