18 ospital handa na sa Ebola
MANILA, Philippines – Bukod sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa, tiniyak ng Department of Health na may 17 pang ospital ang handang tumugon sa kaso ng Ebola sa bansa.
Kabilang dito ang Philippine General Hospital, AFP Medical Center at PNP hospital.
Ang RITM ay itinatag sa ilalim ng Executive Order (EO) 674, kung saan bibinigyan ng awtoridad ang DOH na gumamit ng research facility na magsasagawa ng pag-aaral para sa health advancement at medical research na sasailalim din sa pagsusuri at monitoring ng DOH.
Paliwanag ni Health Sec. Enrique Ona, ang RITM ay may equipment na makade-detect ng Ebola virus.
Aniya mayroong tatlong intensive care units at pitong negative pressure isolation rooms na ginagamit para ihiwalay ang mga highly-contagious patients.
Mayroon ding isolation ward na makakapag-accommodate ng 36 pasyente.
- Latest