^

Bansa

Binay hinamon ng debate si Trillanes!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinamon ni Vice President Jejomar Binay si Senador Antonio Trillanes IV nang one-on-one debate at huwag magtago sa kanyang “parliamentary immunity.”

Ang paghahamon ni Binay ay kasunod ng tahasang pagbanat ni Trillanes sa Bise Presidente na takot umano ang huli na humarap sa pagdinig sa Senado at hindi kayang sagutin ang mga akusasyong ibinabato sa kanya kaugnay sa isyu ng umano’y overpriced Makati City Hall Building 2 at ang 350 hektaryang “Hacienda Binay” sa Rosario, Batangas.

“I’m willing, if you want you can sponsor. I’m willing to debate with Trillanes. I’ll appear in all your forum,” ani Binay sa open forum ng mga miyembro ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Iginiit din ni Binay na hindi siya dadalo sa Senate Blue Ribbon sub-committee na nagsasagawa ng im­bestigasyon sa kontrobersya ng pagpapatayo ng Makati parking building. Handa umano si Binay na makapag-debate kay Trillanes sa labas ng Senado, anumang oras at anumang lugar.

“Alam ho ninyo – siguro naman sinusundan n’yo ‘yong nangyayari sa Senate – eh mababastos ka lang doon. Ayoko naman to go to that level. Alam mo, binastos, kinukutya. Pagka hindi gusto ang sinasabi, tinatakot. Hindi naman yata tama ‘yon. I won’t dignify it,” ani Binay.

Binigyang-diin ni Binay na ang mga senador na nagsasagawa ng pagdinig ay hinusgahan na siya at kanyang pamilya na nagnakaw sa kaban ng bayan.

Lumagpas na din aniya ang komite sa sinasabing “in aid of legislation”.

vuukle comment

ALAM

BINAY

BISE PRESIDENTE

HACIENDA BINAY

MAKATI CITY HALL BUILDING

SENADO

SENADOR ANTONIO TRILLANES

SENATE BLUE RIBBON

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with