^

Bansa

Palpak na mga ahensiya binira ni Binay

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos kahapon ni Vice President Jejomar C. Binay ang umano’y palpak na trabaho ng ilang ahensiya ng pamahalaan kasabay ng pagpuna na ilang sektor ng pamahalaan ang bigong makapagbigay ng saligang serbisyo sa mamamayan.

“Sa apat na taon ng administrasyong ito, nakakahiya ang ilang sektor na hindi nakagampang mabuti sa kanilang trabaho,” sabi ni Binay sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 40th Philippine Business Conference and Expo.

Binira rin ni Binay ang lumulubhang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila at ang kabiguan ng pamahalaan na mapabuti ang  mass transport system ng bansa.

Ayon sa kanya, ang palyadong pagpaplano at burukrasya ay sumayang lang sa oportunidad na mapabuti ang transport system sa Pilipinas. “Sira ang brake ng MRT, nababaklas ang mga pintuan, at humihinto ang signaling system na lubhang mapanganib,” sabi pa niya.

Binatikos din ng Bise Presidente ang masahol na kalagayan ng Ninoy Aquino International Airport. Dahil anya sa napakahinang pag­paplano, napipinto ang krisis sa kuryente, mataas na importasyon ng bigas, at pagkasira ng peace and order.

“Dumarami ang krimen na marami ay gawa ng tiwaling mga pulis. Kailangan itong pansinin ng pamahalaan,” dagdag ni Binay.

Sinabi pa niya na, sa halip na maghanap ng solusyon sa naturang mga problema, mas pinili ng ilang senador na pagtuunan ang paninira sa kanyang pagkatao.

“Habang nakikipaggitgitan ang mga moto­rista sa matrapik na mga kalsada sa ating mga lunsod, habang nabibingit sa panganib ang buhay ng mga commuter sa Metro Manila sa araw-araw na pagsakay sa luma at si­rang mga tren, habang nagdurusa ang ating mga kababayan at dayuhang bisita sa pagdaan sa pinakagrabeng airport sa mundo, bawat linggo ay binibigyan tayo nang live na palabas sa telebisyon hinggil sa isang political assassination,” sabi pa ni Binay.

vuukle comment

AYON

BINATIKOS

BINAY

BISE PRESIDENTE

METRO MANILA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE BUSINESS CONFERENCE AND EXPO

VICE PRESIDENT JEJOMAR C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with