^

Bansa

UNA, kuryente sa overpriced multicabs - Trillanes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling pinabulaanan kahapon ni Sen. Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panibagong akusasyon sa kanya ng United Nationalist Alliance (UNA) ukol sa sinasabing overpriced multicabs na pinondohan umano ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) nito.

Ayon kay Trillanes, maliwanag naman na diversionary tactics lamang ang nasabing ulat upang malihis ang isyu mula sa imbestigasyon ng overpriced building sa Makati.

“Kitang-kita na ang isyung ako raw ay bumili ng overpriced na multicab na nagkakahalaga ng P300,000 bawat isa ay isang diversionary tactic na naman ng grupo ni VP Binay. Para sa kaalaman ng lahat, ni minsan ay di ako nagbigay ng pondo para sa anumang overpriced projects, lalong lalo na ang kumita sa iba’t ibang proyekto na pinondohan ng aking opisina mula sa aking PDAF,” ani Trillanes.

Mula 2011 hanggang 2013, naglaan ng pondo ang kanyang tanggapan gamit ang kanyang PDAF para sa mga multicab na hinihingi ng iba’t ibang munisipalidad sa bansa upang gamitin nila bilang ambulansya o patrol car.

Ayon pa kay Trillanes, magkakaparehong halaga ang nilalaan ng kanyang tanggapan para sa mga ito, na diretsong binibigay sa mga munisipalidad mula sa Department of Budget and Management. Ang mga munisipalidad na ito rin mismo ang bumibili ng mga multicabs galing sa pondo na inilaan para sa kanila.

“Base sa pagka-canvass na ginawa ng aking opisina, lumalabas na ang bawat multicab na nasa maayos na kondis­yon ay nagkakahalaga ng P170,000,” ani Trillanes.

Ang nasabing multicab ay aayusin pa ng bawat munisipalidad base sa paggagamitan nito, kung ambulansya man o patrol car.

Bukod pa sa presyo ng custom design na pagbabago, bahagi rin aniya ng alokasyon ang presyo ng spare parts, at operation and maintenance ng bawat multicab sa isang taon.

Dagdag pa ng senador na lumabas na walang anomalyang nakita ang Commission on Audit sa pag-aaral na ginawa nito sa partikular na proyekto.

vuukle comment

AYON

BINAY

BUKOD

DAGDAG

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

KITANG

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

TRILLANES

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with