Binay itinangging hiniling kay PNoy na pigilan ang NBI probe
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng kampo ni Bise-Presidente Jejomar Binay ngayong Biyernes na hiniling niya kay Pangulong Benigno Aquino III na pigilan ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa kanya.
"How can the Vice President ask the President to stop a probe that hasn't started at that time?" pahayag ng tagapagsalita ni Binay na si Cavite Gov. Jonvic Remulla.
Sinabi ni Senador Antonio Trillanes sa isang panayam sa radyo nitong Martes na nang magkita sina Binay at Aquino sa Bahay Pangarap ay hiniling ng bise-presidente na pigilan ang imbestigasyon ng NBI.
“Trillanes has a habit of inventing things. There were two people in that meeting. Trillanes wasn't one of them. From what I know, the President thinks very little of Trillanes,” wika ni Remulla sa isang balitang lumabas sa website ni Binay.
Iniutos kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima sa NBI na imbestigahan ang umano'y pamumulsa ng pera ng pamilyang Binay mula sa pondo ng lungsod ng Makati.
Nahaharap sa kasong plunder si Binay at ang kanyang anak na si Makati Mayor Junjun Binay dahil sa umano'y overpriced na Makati City Hall II parking building.
- Latest