^

Bansa

Lumang sasakyan alisin na sa lansangan - DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagbawal at alisin na sa lansangan ang mga luma at bulok ng mga sasakyan.

Ito ayon kay DENR Secretary Ramon Paje ay upang makatulong itong maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila at tuloy mabawasan din ang pagtindi ng polusyon sa hangin na mula sa mga sasakyan.

Sinabi rin ni Paje na dapat nang ituloy ng pamahalaan ang pag-phase out sa mga 15 year old na bus at mga lumang passenger jeep na ugat ng pagtindi ng polusyon sa hangin ang usok na mula rito.

Sa mga passenger vehicles ngayon, tanging taxi units at AUVs ang may phase out. Gayunman, nagagamit pa rin ito at nakakarating sa mga kalsada oras na ma­ging  private vehicles muli.

Sinasabing mas matindi ang usok na nagmumula sa mga lumang sasakyan na siyang pinaka matinding pollutants sa hangin sa kalakhang Maynila.

Inerekomenda rin ni Paje ang paggamit ng mga passenger vehicles ng Euro 4 fuels na mas environment friendly kaysa sa kasalukuyang gamit ng mga pampasaherong sasakyan na Euro 2 fuels.

Ang Euro 2 fuel types ay may 500 parts per million (ppm) na mas mataas na dami ng usok  ng sasakyan sa 50 ppm ng Euro 4 fuels.

Ang maduming usok ay maaaring mag-ugat ng atake sa puso, sakit sa baga, malaki ang tsansa ng magkaroon ng cancer at maagang pagkamatay ng isang tao.

vuukle comment

ANG EURO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GAYUNMAN

INEREKOMENDA

METRO MANILA

PAJE

SECRETARY RAMON PAJE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with