^

Bansa

E-power ni PNoy ‘di palulusutin ng House bloc

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi nakumbinsi ni Energy Secretary Jericho Petilla ang Makabayan bloc na mabigyan ng additional authority si Pa­ngulong Aquino para sa nakaambang power crisis sa 2015.

Ito ay sa kabila ng ginawang panggigisa ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares kay Petilla sa budget deliberation ng Department of Energy (DOE) sa Kamara na inabot ng hanggang alas-2 kahapon ng madaling araw.

Giit ni Colmenares, natapos ang budget deliberation ng DOE ay hindi pa rin naipapaliwanag ni Petilla kung bakit obsessed ang gobyerno na bigyan ng emergency powers ang Pangulo.

Sa tingin ng kongresista, walang panga­ngailangan para bigyan ng dagdag kapangyarihan ang Presidente dahil hindi magkukulang ang supply ng kuryente.

Base na rin umano sa 2013 figures ng DOE ang installed capacity para sa Luzon ay 12,790 megawatts, samantalang 11,469 megawatts ang depen­dable capacity habang ang peak demand ay 8,701 megawatts tuwing summer lalo na sa buwan ng Mayo.

Sa datos umano nito lumalabas na mayroong 2,700 megawatts na reserved capacity na sobra sobra pa sa 400 megawatts na sinasabi ni Petilla na inaasahang kukulangin sa summer ng 2015.

Giit ng Makabayan bloc hindi sila papayag na basta makalusot sa Kongreso ang additional authority para sa Pangulo.

vuukle comment

AQUINO

BAYAN MUNA REP

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY SECRETARY JERICHO PETILLA

GIIT

MAKABAYAN

NERI COLMENARES

PANGULO

PETILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with