FM dapat bigyan na ng heroes burial – Sen. Marcos
MANILA, Philippines - Iginiit muli ni Sen. Ferdinand Marcos jr. na mabigyan ng nararapat na heroe’s burial ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sinabi ni Sen. Marcos na nagsilbi ang kanyang ama bilang pinaka-matagal na pangulo ng bansa at nararapat lamang na mabigyan ito ng hero’s burial.
Pero pinabulaanan ni Marcos ang ulat na ni-reject nila ang panukala ni Vice President Jejomar Binay na ilibing na si Marcos sa Ilocos Norte kasabay ang pagbibigay ng military honor at hero’s burial kahit na hindi na sa Libingan ng mga Bayani na unang iginiit ng pamilya Marcos.
“I just want to correct some of the reports that we rejected the proposal by Vice President Binay. That’s not true. In fact the proposal… the recommendations made by Vice President Binay was made in conference with us, the family,” paglilinaw pa ni Marcos.
Aniya, ang Malacañang ang nagbasura ng panukala ni VP Binay at hindi ang kanilang pamilya.
Samantala, naniniwala rin si Sen. Chiz Escudero na kilalang kakampi ng administrasyon na dapat nang payagang ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulo.
- Latest