^

Bansa

P180 bilyon Malampaya royalties pinagagastos sa e-powers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring gamitin ng gobyerno ang Malampaya energy royalties na aabot sa P180 bilyon sa katapusan ng taon upang pondohan ang mga proyektong kakailanganin para matugunan ang kakulangan ng kuryente sa bansa sa sandaling pagkalooban na ng Kongreso ng emergency power si Pangulong Aquino.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto mapapakinabangan ang hindi nagagamit na royalty payments para sa kinakaharap na problema ng bansa sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Nakasaad aniya sa 2015 budget documents na may balanse pang P148.8 bilyong shares ang gobyerno mula sa Malampaya at iba pang energy development projects noong Disyembre 2013.

Kung idagdag aniya ang nasabing halaga sa remittances para ngayong 2014 na aabot sa P31.6 bilyon, at ibabawas ang nasa P757 milyong withdrawals ngayong taon ay magkakaroon pa ng balanseng P179.7 bilyon sa katapusan ng taon.

Sinabi pa ni Recto na kung kukuwentahin, maaari ng sagutin ng gob­yerno ang tinatayang P6 bilyon halaga ng 600 megawatts ng enerhiya sa susunod na taon na kinakailangan para matugunan ang kakulangan sa kuryente.

Nauna rito, nagbabala ang mga Energy officials sa 400-megawatt hanggang 1,000-megawatt shortfall sa Luzon power supply sa unang bahagi ng 2015. Ito ang dahilan kung bakit hiniling ng Malacañang na bigyan ng emergency power si Aquino para mabilis na makapasok sa mga kontrata sa mga private power providers.

vuukle comment

AQUINO

AYON

DISYEMBRE

KONGRESO

MALAMPAYA

PANGULONG AQUINO

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with