^

Bansa

Inuna ang ‘Luis’ victims VP Binay: Trabaho muna

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinansela ni Vice President Jejomar Binay ang nakatakda sana nitong pagsasalita kahapon ukol sa umano’y overpriced Makati Parking Building.

Sa halip, nagdesisyon si Binay na tumungo sa Cagayan at Isabela kahapon upang personal na tulu­ngan ang mga residente na nasalanta ng bagyong “Luis”.

Ayon sa tagapagsa­lita ni Binay na si Cavite Governor Jonvic Remulla, naniniwala ang Bise Presidente na hindi ito ang tamang panahon para tumugon sa kontrobersya dahil mas mahalaga ang pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad.

Ayon pa kay Remulla, mayroon tamang oras upang sagutin ang mga isyu na ipinupukol kay Binay matapos ang naganap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi rin Remulla na patuloy na magtatrabaho ang Bise Presidente sa kabila ng mga akusasyon laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa ngayon aniya, pra­yoridad nito ang kapakanan ng mga mamamayan ng Cagayan at Isabela na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Tiniyak naman ni Binay na magbibigay din siya ng kanyang pahayag bilang sagot sa isyu na ipinupukol sa kanya.

Nilinaw din ni Binay na hindi siya umiiwas na sagutin ang mga isyu, kailangan lamang aniyang unahin na tulungan ang mga mamamayan ng Cagayan na sinalanta ng signal number 3 na bagyo.

“Alam mo iyan ang pinalalabas ‘nung mga naninira sa akin tsaka sa pamilya ko lalo na sa mga anak ko. Makikita mo kung ano ang mga pag-uugali ng mga ‘yan. Meron pa ba namang tataas sa prio­rity na magtrabaho ako ngayon para makita ko kung ano ang nangyari, mapaabot sa taong bayan na meron kayong pamahalaan na handang tumulong at makikisama sa malungkot na nangyari sa inyo, ‘di ba? Hindi ba kuwan ‘yun, ‘yun naman ay pwede namang ipagpaliban ‘di ba? For purposes of priorities mas priority ang tumulong muna at magtrabaho,” ani Binay.

Sinabi ni Binay na wala siyang pakialam sa sa­sabihin ng kanyang mga kalaban, at ang concerned o priority niya umano sa ngayon ay magtrabaho at tulungan ang mga lubhang naapektuhan ng bagyo.

Habang nasa Cagayan, personal na ininspeksyon ni Binay ang pinsala ng bagyo. Binisita nito ang mga lugar sa Peñablanca at saka isinunuod ang Iguig, Amulong at Alcala.

Inaasahang tutulungan din ni Binay ang mga typhoon survivors ang Isabela na kanyang hometown.

vuukle comment

AYON

BINAY

BISE PRESIDENTE

CAVITE GOVERNOR JONVIC REMULLA

ISABELA

MAKATI PARKING BUILDING

REMULLA

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with