'Luis' palabas ng Pinas ngayong Lunes
MANILA, Philippines – Patuloy ang paggalaw palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ng bagyong “Luis” ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 174 kilometro kanluran hilaga-kanluran ng lungsod ng Laoag kaninang alas-7 ng umaga.
Taglay ni Luis ang lakas na 120 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 150 kph, habang gumalaw ito sa bilis na 30 kph.
BASAHIN: Number coding suspendido - MMDA
Tinatayang lalabas ito ng PAR ngayong tanghali.
Samantala, nakataas pa rin ang signal number 3 sa Ilocos Norte, habang signal number 2 naman sa Cagayan kabilang ang Babuyan at Calayan Group of Islands, Apayao, Kalinga, Abra, Mt. Province at Ilocos Sur.
Signal number 1 naman sa Isabela, Ifugao, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan at Batanes Group of Islands, northern Quezon at Pollilo Island.
- Latest