Na pamahalaan ang trapiko sa Maynila MMDA tinanggap ang hamon ni Erap
MANILA, Philippines – Tinanggap ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang hamon ni Manila Mayor Joseph Estrada na ang pamahalaang nasyunal na ang hahawak sa problema sa trapiko makaraang pansamantalang tanggalin ang “truck ban” sa lungsod.
Sinabi ni Tolentino na agad niyang pupulungin ang Special Traffic Committee ng Metro Manila Council upang agad na makabuo ng plano sa pamamahala ng daloy ng trapiko sa Maynila.
“I will immediately convene the Metro Manila Mayors Special Traffic Committee to craft a responsive scheme that will incorporate the city of Manila’s efforts with that of the national government,” ani Tolentino.
Pinasalamatan rin naman ni Tolentino si Estrada sa ginawang desisyon at sinabihan pa ito na may malasakit para sa ikaluluwag ng trapiko sa kanyang lungsod.
“I thank the good Mayor of Manila for his concern in trying to find solutions to decongest the Port of Manila,” saad nito.
Muli naman nitong hiningi ang tulong ng publiko at iba pang stakeholders sa trapiko ng ibayong pakikipagtulungan sa kanila para tuluyang matuldukan ang malubhang problema sa trapiko na umaabot na ngayon hanggang lalawigan ng Bulacan.
- Latest