^

Bansa

Ombudsman kulang sa abogado

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nahihirapan silang punan ang kakulangan ng mga abogado sa bansa.

Ito rin umano ang isa sa dahilan kung bakit mabagal at mababa ang conviction rate sa Pilipinas na nasa 44% lamang kumpara sa conviction rates ng Indonesia na nasa 70% at ang Hong Kong, 90%.

Sinabi ni Morales na kung madodoble ng Kongreso ang pondo ng Office of the Ombudsman kumpara sa itinakda ditong budget na 1.73 B para sa 2015 ay tiyak na magagawang punan ang kakulangan sa mga personnel at nakasisigurong tataas din ang conviction rate sa bansa.

Inamin din nito na sweldo rin ang isa sa mga dahilan ng mabagal na recruitment ng mga abogado dahil kakailanganin pa ng tatlong taon sa serbisyo bago makakuha ng lawyer position sa Ombudsman.

Bukod dito ay naghihigpit din sila sa recruitment process upang masigurong nasasala ang mga kinukuhang abogado batay sa kanilang competence at integrity.

Sa kasalukuyan ay may 363 lawyers ang Ombudsman at mangangailangan pa ng 360 mga abogado upang mabilis nang matugunan ang lahat ng mga kaso na inihahain dito.

vuukle comment

AMINADO

BUKOD

HONG KONG

INAMIN

KONGRESO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with