^

Bansa

Isyu sa China napapabayaan na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napapabayaan na umano ng gobyerno ang territorial defense habang ang China ay walang tigil sa pagpapalakas ng presensiya sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagtatayo ng kanilang mga istraktura.

Kasabay nito nagbabala si Magdalo Rep. Ashley Acedillo sa matinding pa­nganib na dulot ng nasabing bansa sa pananakop sa teritoryo ng Pilipinas.

Base umano sa aktibidad ng China, desidido itong gamitin ang kapangyarihang political, pang ekonomiya at militar para igiit ang pag-angkin sa malawak na bahagi ng West Philippine Sea.

Kung hindi umano ito maagapan ng bansa ay malaki ang mawawala sa mga Pinoy kasama ang tinatayang 1.748 bilyong dolyar na halaga ng oil deposits sa WPS at ang tinatayang 2.1 trilyon na halaga ng gas deposit dito.

Sa kasalukuyan, bil­yun-bilyon umano ang nawawala sa bansa taun-taon dahil sa poaching, pagkasira ng corals at ilegal na pangi­ngisda sa karagatan na hindi kayang protektahan ng gobyerno.

Iginiit ni Acedillo na panahon na para buhusan ng pondo ng pamahalaan ang territorial defense ng bansa.

vuukle comment

ACEDILLO

ASHLEY ACEDILLO

IGINIIT

KASABAY

MAGDALO REP

NAPAPABAYAAN

PILIPINAS

PINOY

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with