^

Bansa

Sen. Poe sumakay ng MRT

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakipila kahapon at sumakay ng MRT si Sen. Grace Poe bilang paghahanda sa gagawing imbestigasyon ng Senado tungkol sa mga problemang nararanasan ng mga mamamayan na sumasakay sa Metro Rail Transit.

Alas-8:20 ng umaga ng pumila si Poe sa North Avenue station sa Quezon City. Inabot ng 40 minuto bago siya nakabili ng ticket.

Sa isang text message sinabi ni Poe na maayos naman na umusad ang pila kahit pa mabagal.

Personal rin nitong nakita ang mga escalators na hindi gumagana kaya mas sumisikip ang pila papasok sa MRT sa North Avenue.

Hindi rin kaagad pumasok ang ticket ni Poe sa machine kaya manual itong binuksan ng isang security guard. Inabot ng isang oras at kalahati ang paglalakbay ni Poe bukod pa sa halos 40 minutong ipinila niya para makabili ng ticket.

Dumating sa kanyang destinasyon sa Pasay City, Taft si Poe bandang 10:30 ng umaga.

Maging ang mga escalators sa Taft Ave., Pasay ay hindi gumagana kahit ang mga nakalaan sa mga taong may kapansanan.

Naniniwala ang senadora na may pag-asa pang mapaganda ang serbisyo ng MRT kung aayusin lang ang maintenance nito.

vuukle comment

DUMATING

GRACE POE

INABOT

METRO RAIL TRANSIT

NAKIPILA

NORTH AVENUE

PASAY CITY

QUEZON CITY

TAFT AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with