^

Bansa

Belmonte: Anti-dynasty law 'di lulusot sa Aquino admin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Duda si Speaker Feliciano Belmonte Jr. na maipapasa ngayong administrasyong Aquino ang anti-political dynasty bill.

Sinabi ni Belmonte ngayong Biyernes na masusing pag-aaral ang gagawin sa naturang panukala kaya naman tatagal ito at hindi na aabutin ni Pangulong Benigno Aquino III para lagdaan.

"That bill will definitely not pass in its present situation. It will need to be amended and so forth," pahayag ni Belmonte sa isang panayam sa telebisyon.

Kaugnay na balita: PNoy sa anti-dynasty law: 'Kawawa kami'

Dagdag niya na maaaring hindi rin ito suportahan ng mababang kapulungan na dinodomina ng mga mula sa political dynasties.

"Nobody else will agree with that,” wika ng House Speaker, na ang anak na si Joy ay vice-mayor ng Quezon City. 

Iginiit niya na sinusuportahan niya ang panukala at patunay dito ang kanyang panagawan sa pagpapasa ng mungkahi nitong pagbubukas ng Kongreso.

Sinabi ni Aquino kahapon na handa niyang lagdaan ang panukala oras na lumusot ito sa Kongreso.

vuukle comment

AQUINO

BELMONTE

BIYERNES

DAGDAG

HOUSE SPEAKER

KONGRESO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

QUEZON CITY

SINABI

SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with