^

Bansa

LPA nagbabanta sa Mindanao

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang isang low pressure area habang papalapit sa silangan ng Mindanao.

Kahapon ng umaga, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 500 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Bunga nito, asahan na ang mga pag-uulan sa Zamboanga Peninsula gayundin sa Western Visayas at Central Visayas kasama na ang Metro Manila, Central Luzon, Cagayan Valley, Bicol, Calabarzon at Mimaropa areas dahil sa maulap na kalangitan.

Bagamat mahina pa ang sama ng panahon at maliit pa ang tsansang maging bagyo ito ay patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga nakatira sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat para makaiwas sa epektong dala ng LPA.

 

vuukle comment

BAGAMAT

BICOL

BUNGA

CAGAYAN VALLEY

CALABARZON

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

METRO MANILA

WESTERN VISAYAS

ZAMBOANGA PENINSULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with